Ang mahiwagang pagkawala
Lahat ay nawala na lamang na parang bula..
Hindi ko alam kung anong nangyari, kung san ako nagkamali. Pero alam ko na ako ang may kasalanan. Maaaring hindi ko naibigay lahat ng pag-aalaga at pagmamahal na dapat ay naibigay ko sana sayo. O sadyang hindi lang ba talaga tayo tinadhanang magsama ng matagal kaya pakiramdam ko ngayon na kahit wala ka na sa aking piling.. ay masaya ka naman sa piling nya? At sino na nga ba sya? Hindi ko rin kilala, at parang ayoko na rin makilala. Para saan pa? Ang hiling ko nalang ngayon ay alagaan ka nya at kung subukan man burahin lahat ng ala-ala natin ay magiging masakit eto para sa akin. Ngunit maging masaya ka nalang sa piling nya. At kahit halos na 6 na buwan lamang tayo nagsama, wag mong isipin na madali kong malilimutan lahat ng iyon. Sayo ko binuhos ang pagmamahal ko, sayo ko lahat ipinagkatiwala ang mga sikreto ko, sayo ko lahat kinuwento ang storya ko. Lahat ng litrato. Lahat ng importanteng mga bagay. Lahat-lahat.
Kaya ang tanong ko: Kelan kaya uli tayo magkakadaupang palad, o aking external hard drive?